-- Advertisements --

Pumanaw na si Val Kilmer, kilala sa mga pelikulang Batman Forever at The Doors, sa edad na 65.

Ayon sa kaniyang anak na si Mercedes Kilmer, ang sanhi ng pagpanaw ng actor ay pneumonia.

Nabatid na throat cancer survivor si Kilmer bago dinapuan ng panibagong karamdaman.

Si Kilmer ay sumikat noong 1980s at 1990s bilang isang leading man sa mga pelikulang tulad ng Top Gun, Real Genius, Willow, Heat, at The Saint. Bumuhos ang mga pagpupugay mula sa iba’t ibang panig matapos ang balita ng kanyang pagpanaw.

Noong 2021, muling nagbalik si Kilmer sa pelikula sa Top Gun: Maverick kahit hindi na siya nakapagsalita dahil sa sakit.

Isa rin siyang tampok sa dokumentaryong Val, na inilabas noong parehong taon, na nagbigay ng malalimang pagtingin sa kaniyang buhay at pagiging isang artist.

Bilang isang versatile na actor, naging bahagi si Kilmer ng maraming sikat na pelikula at nag-iwan ng mahalagang kontribusyon sa mundo ng sining.