-- Advertisements --

Bumuhos ang pakikiramay sa pagpanaw ng kilalang Indian singer na si SP Balasubrahmanyam sa edad 74 matapos na dapuan siya ng coronavirus.

Unang dinala sa pagamutan mg Chennai si Balasubrahmanyam noong Agosto ng masuri itong positibo sa COVID-19.

Bagamat gumaling na noong Setyembre ay nakakabit pa rin sa kaniya ang life support.

Ayon sa mga doktor ay inatake ito sa puso habang patuloy na naka-confine.

Ginawaran siya ng Guinness world record na dahil sa pagkakaroon niya ng mahigit 40,000 na kanta sa loob ng 50 taon.

Mula sa romantic hits hanggang kilalang dance tracks.

Kumanta rin ito sa ilang mga Indian movies na mayroong 16 na lenguwahe.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga government officials at mga Bollywood stars matapos na mabalitaan ang pagpanaw ni Balasubrahmanyam.