-- Advertisements --
Inaresto ng mga kapulisan sa Iran ang isang parkour athlete dahil sa ginawa nitong pakikipaghalikan habang nasa taas ng bubong.
Si Alireza Japalaghy, na kilalang Iranian parkour athlete, ay inaresto kasama ang stunt accomplice nito.
Ayon sa Tehran police na umani ng negatibong komento ang ginawa ng dalawa na nakapost sa social media.
Taliwas sa Sharia law ang ginawa ng dalawa kung saan tinawag pa ito na isang ‘vulgar act’.
Hindi naman sang-ayon dito ang ilang mga social media users at binatikos pa ang striktong pagpapatupad ng batas ng Iran.