-- Advertisements --
Pumanaw na ang kilalang singer sa Iran na si Mohammad Reza Shajarian sa edad 80.
Hindi naman binanggit ng kampo nito ang sanhi ng kamatayan nito.
Tinatawag na “Maestro” na isang classical Persian musician at composer na umabot sa 50 taon ang career.
Bago ang kaniyang kamatayan ay pinagbawalan na itong magsagawa ng konsiyerto at paglabas ng mga kanta dahil umano sa pagsuporta niya sa mga nagsagawa ng anti-government protest noong 2009.
Matapos na mabalitaan ang pangyayari ay nagtungo ang mga fans nito sa pagamutan sa Tehran kung saan ito pumanaw at kinakanta ang kaniyang kanta.
Pinangunahan naman ni Iranian President Hassan Rouhani ang pagbibigay ng pakikiramay sa mga kaanak ng singer.