-- Advertisements --
Pumanaw na ang kilalang Japanese fashion designer na si Kansai Yamamoto sa edad 76.
Ayon sa anak nitong babae, hindi na nakayanan ng ama ang sakit nitong pneumonia.
Nakilala si Yamamoto sa makulay na gawa nito na inihahanay niya sa traditional Japanese design.
Siya rin ang gumawa ng ilang kasuotan na ng singer na si David Bowie.
Isinilang noong 1944 sa Yokohama kung saan binalak nitong maging engineer pero naging fashion designer siya.
Taong 1971 ng maging kauna-unahang Japanese designer na nakapasok sa London Fashion Week.