-- Advertisements --
Itinalaga ni Pope Francis si Cardinal Robert McElroy bilang bagong arsobispo ng Washington D.C.
Kilala ang cardinal bilang nagtatanggol ng mga migrants at kritiko ni US President-elect Donald Trump.
Ang 70-anyos na Cardinal ay isang masugid na supporter ng Santo Papa sa pagtatanggol niya ng kaniyang refugee, kalikasan at pagtanggap sa mga miyembro ng LGBTQ Catholics.
Papalitan nito si Cardinal Wilton Gregory, 77-anyos na unang African-American Archbishop ng Washington D.C.
Kasabay din nito ay itinalaga ng Santo Papa ang unang babaeng lider ng Vatican department na si Sister Simona Brambilla na magiging prefect of the Holy See religious life office na may responsibilidad para sa madre, monks at mga friars.