-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang Malaysian singer dahil sa COVID-19.

Si Siti Sarah Raisuddin ay namatay ilang araw matapos na isilang ang pang-apat na anak nito na isang batang lalaki.

Ligtas naman ang bagong silang na bata subalit hindi na nakaligtas ang ina.

Kuwento ng kaniyang asawa na nakausap nito ang asawa sa pamamagitan ng video call ilang oras bago malagutan ng hininga.

Base sa health officials ng bansa na nagpositibo ang buong pamilya ng singer na sinasabing nahawa sa kanilang katulong.

Nagpaabot naman ng pakikidalamhati ang mga hari at reyna ng Malaysia.