-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang peace advocate na si Father Eliseo “Jun” Mercado Jr sa edad 72.

Ayon sa Oblates of Mary Immaculate (OMI) na nalagutan ito ng hininga sa Cotabato Regional Medical Center dakong 3:25 nitong hapon ng linggo.

Mula pa noong Mayo 8 ay itinakbo na ito sa pagamutan matapos na magpositibo sa COVID-19.

Inilipat siya sa intensive care unit para tuluyang gumaling subalit siya ay inatake sa puso.

Naging pangulo siya ng Norte Dame University sa Cotabato City mula 1992 hanggang 2002 at nagsilbing Justice, Peace and Integrity ng Creation sa Rome ng OMI mula 2003 hanggang 2006