-- Advertisements --

Pumanaw na ang sikat na German photographer na si Astrid Kirchherr sa edad 81.

Nakilala siya sa pagkuha ng unang larawan ng bandang The Beatles sa Hamburg noong 1960.

Inanunsiyo ni Beatles historian Mark Lewisohn ang nasabing pagpanaw ni Kirchherr dahil sa sakit.

Dagdag pa nito na hindi matatawaran ang naging kontribusyon nito sa pagsikat ng banda.

Unang nakita ni Kirchherr ang banda noong sila ay tumugtog sa isang nightclub sa Hamburg.

Nakarelasyon niya ang original bassist ng banda na si Stuart Sutcliffe.

Pumanaw si Sutcliffe noong 1962 sa edad 21 dahil sa brain haemorrhage.

Sa dalawang beses na pagpapakasal nito ay hindi siya biniyayaan ng anak.