-- Advertisements --

Pumanaw na ang kilalang radio at television personality sa munod ng country music na si Ralph Emery sa edad 88.

Kinumpirma ng kaniyang kaanak na ito ay nalagutan ng hininga habang naka-confine sa Tristar Centennial Medical Center sa Nashville, Tennesse.

Isinilang noong Marso 19, 1933 sa McEwen, Tennessee kung saan nagsimula ang career niya noong 1950 sa maliit na radio station bago naging sikat na TV at radion personalities sa country music.

Mula 1961 hanggang 1964 ay naging announcer siya ng Grand Ole Opry.

Kinilala siya sa Country Music Disc Jockey Hall of Fame noong 1989 at Country Music Hall of Fame noong 2007.

Nagpaabot naman ng mga mensahe ng kalungkutan ang mga nakasama sa industriya ng nasabing singer.