Pumanaw na ang kilalang singer-songwriter ng France na si Françoise Hardy sa edad na 80.
Kinumpirma ito ng kaniyang anak na si Thomas Dutronc na isang musician subalit hindi na binanggit pa ang dahilan ng kamatayan ng ina.
Taong 1962 ng sumikat si Hardy sa musika at naging cultural icon na ito.
Naging insipirasyon siya ng ilang mga kilalang singer gaya nina Bob Dylan at Mick Jagger dahil sa kaniyang melancholy ballads.
Ilan sa mga pinasikat na kanta nito ay ang “All The Girls and Boys”, “It Hurts to Say Goodbye” at “My Friends the Rose”.
Isinilang siya sa Nazi-occupied sa Paris noong 1944 at ipinalaki mag-isa ng kaniyang ina.
Unang nag-record ito ng kanta sa edad na 17 at nahihilig sa pakikinig ng mga kanta nina Elvis Presley, Cliff Richards at ilang mga sikat na American at British stars.
Nakuha rin niya ang atensiyong ng mga sikat na fashion designers sa France kung kayat ginawan siya ng mga damit na isinusuot tuwing ito ay nagtatanghal.