Nangunguna din nananawagan sa international communities ang sikat na singer-song writer ng Myamar ni si David Lai upang matapos na ang hindi makataong aksyon ng militar sa kanilang bansa.
Sa panayam ng Star FM Bacolod kay David Lai, Inilarawan niyang na nasa madilim silang sitwasyon ngayon kung saan umaabot sa 53 milliong katao ang nakakulong sa Myanmar sa pangangasiwa ng militar.
”We don’t want military rulling again, we have been suffering for decades that’s why we’re fighting for democracy. As an artist I wasn’t interested in politics before but it’s not about politics, it’s about my country’s future. I’ve been experienced the very bad education system under military ruling before, I don’t want my next generation experience that again.” ang pahayag ni David Lai sa Star FM Bacolod.
Dagdag pa ng singer-song writer mula sa Myanmar, bilang musician ay tungkolin niya din na tumayo at maglakas ng loob na pangunahan ang kanyang mga kababayan na makipaglaban para sa kalayaan ng kanilang bansa.
Nais ni Lai na iparating sa mundo na parang nabubura na ang hinaharap para sa bansa nila kung saan hindi nila nakikitang secured ang edkasyon para sa mga susunod pa nilang henerasyon.
Umaapela din ang singer-song writer na ipagdasal ang kanilang bansa at marinig ang kanilang boses na nagnanais makamit ang demokrasya.
Nagpapasalamat din si Lai na nakuha ng pagkakataon na maibahagi sa pamamagitan ng Bombo Radyo Philippines ang nais nilang iparating sa mundo.