-- Advertisements --

Pumanaw na ang beteranang actress ng South Korea na si Kim Min Kyung sa edad 61.

Kinumpirma ito ng kaniyang agency subalit hindi na nagbigay pa ng anumang detalye sa kamatayan nito.

Mahigit 40 taon ang naging acting career nito na isa sa pinakasikat sa South Korea.

Ilan sa mga pelikulang pinagbidahan niya ay ang “The Moon Embracing the Sun”, “When The Camellia Blooms” , “VIP”, “Mouse” at “A Good Supper”.