Pumanaw na ang kilalang talk show host sa US na si Phil Donahue sa edad na 88.
Inanunsiyo ito ng kaniyang kampo kung saan dahil umano sa matagal niyang pagkakasakit.
Ang show nitong “The Phil Donahue Show,” ay nagtagal ng mahigit na 29 taon.
Isinilang sa Cleveland, Ohio kung saan nagtapos ito sa University of Notre Dame sa Indiana.
Nagsimula ang career nito sa radyo noong dekada 50 bago lumipat sa telebisyon.
Ilan sa mga sikat na kaniyang nakapanayam ay sina President John F. Kennedy, Johnny Carson, Malcom X at iba pa.
Noong 1967 ay itinaguyod niya ang kaniyang show bago pinalitan ng “Donahue” noong 1974.
Huling lumabas ito sa telebisyon noong 2014 sa laro ng Cleveland Cavaliers.
Binigyan siya ng Presidential Medal of Freedom mula kay Pangulong Joe Biden noong buwan ng Mayo.