Pumanaw na ang kilalang tennis coach na si Nick Bollettieri sa edad, 91.
Kinumpirma ng IMG Academy kung saan founder si Bolletieri ang kamatayan nito.
Hindi na nila binanggit pa ang sanhi ng kamatayan nito.
Nakilala si Bollettieri dahil siya ang nasa likod ng pagtuturo sa mga sikat na tennis players gaya nina Andre Agassi, Maria Sharapova at ang magkapatid na Serena at Venus Williams.
Isinilang sa Pelham, New York kung saan itinuon niya ang atensiyon nito sa pagtuturo ng tennis para kumita ng pera habang siya ay nag-aaral sa pagka-abogado sa University of Miami.
Noong 1977 ay itinayo niya ang Nick Bollettieri Tennis Academy na ngayon ay IMG Academy.
Humiram pa siya ng $1-milyon sa kaibigan niya para itayo ang live-in tennis academy para sa mga mag-aaral.
Lumago pa ang nasabing academy na nagtuturo na rin ng ibang sports gaya ng football, baseball at soccer.
Noong 2014 ay hinirang siya sa International Tennis Hall of Fame.
Nagpaabot naman ng kani-kanilang pakikiramay ang mga iba’t-ibang tennis players sa mundo matapos mabalitaan ang pagpanaw ng kilalang tennis coach.