Pumanaw na ang kilalang American photographer na si Elsa Dorfman sa edad 83.
Hindi namang binanggit ng kaanak nito ang sanhi ng kamatayan ni Dorfman.
Sumikat si Dorman sa kaniyang intimate large-scale portraits.
Gamit nito ang knaiyang 20x 24-inch Polaroid camera na may bigat ng hanggang 200 libra ay nakuhanan na nito ng larawan ang mga sikat na artista, singers, poets at maging mga terminally ill cancer patients ganun din ang mga HIV/ AIDS patients.
Isinagsagawa nito ang pagkuha ng larawan sa kaniyang basement studio sa Cambridge, Massachussets na ang kadalasang subject nito ay simpleng puting background.
Ipinanganak noong 1937 sa Cambridge at nakamit nito ang bachelor’s degree mula sa Tuft University kung saan nag-major ito sa French literature at matapos nito ay lumipat siya sa New York.
Naka-display naman ang mga larawan na kuha nito sa iba’t-ibang museum gaya ng San Francisco Museum of Modern Art, National Portrait Gallery sa Washington, D.C, Harvard Art Museum, Portland Museum of Art sa Maine at ilan pa.