Nakalaya na mula sa pagkakakulong ang kilalang women’s right activist na si Loujain al-Hathloul.
Ito mismo ang kinumpirma ng kaanak ng 31 anyos na si Hathoul.
Isa si Hathloul sa nagsulong ng pagmamaneho ng sasakyan ng mga kababaihan sa Saudi Arabia.
Ikinulong ito noong 2018 ilang linggo matapos na tanggalin ng Saudi Arabia ang pagbabawal sa mga kababaihan na magmaneho ng sasakyan.
Napatunayan kasi itong guilty sa tangkang pagpalit ng political system at pananakit ng national security ng nasabing bansa.
Dahil dito ay hinatulan itong makulong ng anim na taon sa maximum security prison subalit ginawa ng dalawang taon at sampung buwan ang hatol.
Binalaan ito ng kaniyang kaanak na mahaharap ito sa paghihigpit kasunod ng kaniyang pagkalaya dahil sa probation kabilang na ang limang taon na travel ban.