MANILA – Tatlong Pinoy student engineers ang bumuo sa ikaapat na satellite ng Pilipinas na pinalipad sa kalawakan nitong Linggo, February 21.
Pare-parehong mga scholar ng Department of Science and Technology (DOST) ang mga engineer, na nag-aaral ngayon ng doctoral degree in Space Engineering sa Kyusu Institute of Technology (Kyutech) sa Japan.
Ang Maya-2 cube satellite na binuo ng tatlong Pinoy student engineers ay bahagi ng ikaapat na BIRDS 4 (Joint Global Multi-Nation Birds) Satellite Project.
Name: Izrael Zenar BAUTISTA Nationality: Filipino Educational Background: ● BS Electronics and Communications…
Posted by BIRDS 4 Satellite Project – KyuTech on Tuesday, February 16, 2021
Kabilang sa bumubo ng Philippine team si Engr. Izrael Zenar Bautista, na siyang project manager ng BIRDS 4.
Nagtapos ng kursong BS Electronics and Communications Engineering sa University of the Philippines si Bautista. Mayroon din siyang post-graduate degree na MS Energy Engineering sa parehong unibersidad.
“I am responsible for monitoring the team’s activities from planning, design, execution, implementation, and operation of the satellite,” ani Bautista sa isang online post.
Name: Marloun SEJERA Nationality: Filipino Educational Background: ● BS Electronics and Communications Engineering,…
Posted by BIRDS 4 Satellite Project – KyuTech on Tuesday, February 16, 2021
Ang ikalawang miyembro ng team ay si Engr. Marloun Sejera, na alumni ng Mapua Institute of Technology.
Sa naturang paaralan siya nagtapos ng kursong BS Electronics and Communications Engineering at MSc Electronics and Communications Engineering.
“I am responsible for making sure that the satellite has reliable communication with ground stations for the continuous execution of satellite missions.”
“I also handle the APRS-DP mission which aims to demonstrate the functionality of low-cost COTS APRS digipeater and to provide amateur radio service to the amateur radio community.”
Name: Mark Angelo PURIO Nationality: Filipino Educational Background: ● MA in Education, Adamson University ● MS in…
Posted by BIRDS 4 Satellite Project – KyuTech on Tuesday, February 16, 2021
Tubong Oriental Mindoro naman ang ikatlong miyembro ng team na si Engr. Mark Angelo Purio.
Nagtapos siya sa kursong BS in Electronics and Communications Engineering sa Batangas State University.
Mayroon din siyang post-graduate degree na MA in Education sa Adamson University; at MS Electronics Engineering sa De La Salle University.
Si Engr. Purio ang responsable sa Camera Mission ng BIRDS 4 Project at nangangasiwa sa social network services ng proyekto para malaman ng publiko at stakeholders.
“I also help in the design and development of a standardized backplane board (BPB) which holds the boards together and serves as a bus for inter-board connections and power supply.”
Kasama ng tatlong Pinoy ang iba pang engineers mula sa iba’t-ibang bansa gaya ng Japan, France, Paraguay, Egypt, at mga estado sa Middle East.
Bukod sa Maya-2 CubeSat, lumipad din sa pamamagitan ng International Space Station, ang GuaraniSat-1 CubeSat ng Paraguay, at Tsuru CubeSat na nasa ilalim ng BIRDS 4 Satellite Project ng Kyutech.
Proud daw sina Bautista, Sejera, at Purio na maging kinatawan ng Pilipinas dahil sinasalamin ng kanilang presensya ang interes na palakasin ang industriya ng space science sa Pilipinas.
“As the Philippines ventures more into space and space exploration, this is a great platform for me to contribute what I know and at the same time acquire skills that I can use when I return back to my country and teach,” ani Purio.
Ayon kay Prof. Paul Jason Co, project leader ng STeP-UP ng DOST, tatlong nanosatellites na gawang Pinoy pa ang nakatakdang ilunsad ngayong taon.