-- Advertisements --

Inanunsyo ng Miss Universe Philippines (MUPH) organization ang Top 10 na mga kandidata sa kanilang Runway Showcase, batay sa pinakamaraming boto mula sa publiko hanggang Abril 15, 2025.

Binubuo ito nina:

  • Kayla Jane Usison – Bago City
  • Gwendoline Meliz Soriano – Baguio
  • Mikae Ibarde – Benguet
  • Juliana Fresado – Iligan
  • Eloisa Jauod – Laguna
  • Taylor Marie De Luna – Malay, Aklan
  • Teresita Winwyn Marquez – Muntinlupa
  • Andrea Cayabyab – Pangasinan
  • Amanda Russo – Pasay
  • Katrina Llegado – Taguig

Ayon sa MUPH, ang Top 3 ay awtomatikong papasok sa semifinals, habang ang Top 2 naman ay aabante sa evening gown competition. Ang may pinakamataas na boto ay diretsong papasok sa finals.

Gaganapin ang coronation night ng MUPH 2025 sa Mayo 2, ala-6 ng gabi, sa Mall of Asia Arena (MOA) sa Pasay City. Habang ang preliminary competition ay nakatakda sa Abril 28 sa Newport Performing Arts Theater.

May kabuuang 67 kandidata ang kasali ngayong taon matapos umatras sina Chella Falconer ng Cebu Province at Hannah Michelle Gilmore ng Los Angeles.

Samantala ang mananalo ay kokoronahan ni Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Manalo at magiging kinatawan ng bansa sa Miss Universe 2025 na gaganapin sa Nobyembre 21, 2025 sa Bangkok, Thailand.