-- Advertisements --

Pumanaw na ang Grammy-winning soul singer Roberta Flack sa edad 88.

Sinabi ng kaniyang publicist na si Elaine Schock , na lumala ang kaniyang mga sakit na amyotrophic lateral sclerosis o ALS.

Mayroon siyang 14 Grammy nominations at nagwagi ng limang award.

Nagkamit din ito ng lifetime achievement awards noong 2020 at Record of the Year.

Isinilang sa Black Mountain, North Carolina at lumaki sa Arlington, Virginia kung saan sa edad na 9 ay nag-aral siya ng classical music training at nag-aral din ng piano.

Ang unang kanta niya ay ang “First Take” na sinundan ng kaniyang bersyon na “The First Time Ever I Saw Your Face” na ginamit sa pelikula ni Clint Eastwood at ang kanta ay nananatili ng anim na linggo sa Billboard Hot 100 at nagwagi rin ng Record of the Year sa 1973 Grammy Awards.

Taong 1973 ng ilabs niya ang record na “Killing Me Softly” kung saan nanatili ito ng limang linggo sa Billboard Chart.

Ang nasabing kanta ay nagwagi ng dalawang Grammy noong 1974 bilang Record of the Year at Best Pop Vocal Peformance by female artist.

May mga kanta rin ito na tumatalakay sa civil rights, equal rights, poverty, hunger at paghihirap sa lipunan.