-- Advertisements --
Hinimok ni Senate committee on tourism chairperson Sen. Nancy Binay ang gobyerno ng Pilipinas na simulan na ang mga hakbang para mailayo sa panganib ang mga kababayan nating turista at trabahador sa Hong Kong.
Ayon kay Binay, kailangan nang kumilos ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Overseas Employment Agency (POEA) dahil sa lumalalang mga kilos protesta at iba pang kaguluhan.
Naalarma ang senadora sa balitang nag-deploy na ang Beijing ng People’s Liberation Army sa Hong Kong-China border.
Giit ni Binay, hindi baleng maging sobra ang pag-iingat kaysa may mga kababayan natong mapahamak.
Matatandaang isang Pinoy na ang nakulong dahil sa bintang na kasama ito sa mga kilos protesta kamakailan sa mataong lugar ng Hong Kong.