-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nagsagawa ng kilos-protesta ang daan-daang empleyado at member-consumers ng Benguet Electric Cooperative (BENECO).

Sinasabing ito ay bilang pagpapakita ng suporta kay BENECO BOD-apppointed general manager Engr. Melchor Licoben at sa inaasam na pagpapatalsik kay NEA-BOA appointed GM na si Atty. Marie Rafael Banaag.

beneco benguet

Nagsimula ang protesta sa Malcolm Square, Baguio City hanggang sa headquarters ng kooperatiba sa Southdrive kung saan bitbit ng mga empleyado at MCOs ang mga karatula na may kasulatan na nagpapakita ng suporta kay Engr. Licoben.

Idinaos din ang isang programa sa compound na pinangunahan ng labor union ng BENECO, ilang miyembro ng makakaliwang organisasyon at iba pang pribadong grupo.

Nakita rin ang presensiya sa event ng ilang politiko sa lungsod at mga pulis na nagbantay sa naturang protesta.

Tumagal ang kilos-protesta ng ilang oras at natapos sa pamamagitan ng pagpapaalis sa mga empleyado ni NEA-appointed GM na si Banaag at pagbabalik operasyon nga mga kaukulang empleyado ng kooperatiba.

Pagkatapos nito ay nagtungo ang kampo ni Atty. Banaag sa isang gusali sa Upper Session Road habang naiwan sa BENECO compound sa Southdrive ang kampo naman ni Engr. Licoben.

Sa panayam ng media kay Engr. Licoben, isinangguni raw nila ang iba’t ibang issue katulad ng planong pagsasabotahe ng kampo sa ilang substations ng BENECO, ang kwestiyonableng pagpapalabas ng labor union ng milyong piso na pondo ng kooperatiba, at ang status ng desisyon ng Court of Appeals sa ipinasang reklamo laban sa kampo ni Atty. Banaag.

Hindi ito sinagot ng Engr. Licoben bagamat sinabi niya na isinasagawa sa ngayon ang inventory at idadaos ang pormal na forum para sa naturang issue.

Samantala, emosyonal na humarap sa media si Atty. Banaag kasabay ng paglalahad nito ng kanyang pagkadismaya sa mga politikong nakikialam sa nasabing isyu.

Iginiit niya na nababahiran ng politika ang kinakaharap na krisis ng BENECO na dapat aniya ay hindi pinapakialaman ng mga ito.

Dagdag niya na may mga empleyado niyang nasaktan sa nangyraing tension dulot ng protesta.

Iginiit pa ng dating opisyal ng PCOO na may mga nakalap na ebidensiya laban sa alegasyon ng kampo sa planong pagsasabotahe raw sa ilang substations ng BENECO at sa mismong nangyaring kilos-protesta.