-- Advertisements --
Nagsagawa ng kilos protesta ang ilang libong katao sa Madrid.
Ito ay para kontrahin ang desisyon ng bagong upong alkalde na tanggalin ang pagbabawal sa mga petrol at diesel na sasakyan sa Central Madrid.
Ang nasabing hakbang kasi na ipinatupad ay sumasang-ayon sa clean air rules ng European Union.
Sa pag-upo ni People’s Party mayor José Luis MartÃnez-Almeida noong Hunyo 15 ay tinanggal niya ang nasabing ban.
Panawagan ng mga nagsagawa ng kilos protesta na ibalik ang ban.
Dapat anila na ipagtanggol ng alkalde ang mga tao sa polusyon.