-- Advertisements --
Nasa mahigit 5,000 mamamayan ng Greece ang nagsagawa ng kilos protest sa Athens.
Binabatikos kasi ng mga ito ang coronavirus vaccination program ng kanilang gobyerno.
Nanawagan din ang mga ito kay Prime Minister Kyriakos Mitsotakis na bumaba sa puwesto.
Ito na ang itinuturing na pinakamalaking kilos protesta laban sa pagpapabakuna.
Mayroon na kasing 41% ng mga Greeks ang naturukan na ng COVID-19 vaccine kung saan inatasan ng gobyerno ang mandatory na pagpapabakuna sa mga healthcare workers at nursing home staff dahil sa biglang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Nagtala ng halos 3,000 na kaso ang Greece noong isang araw.