-- Advertisements --
HK protest 1
HK protest

Binulabog ng kilos protesta ang malaking bahagi ng Hong Kong ilang oras matapos na inaanunsiyo ng gobyerno na bawal na ang paggamit ng mga face mask.

Karamihan sa mga protesters ay hinarangan ang maraming kalsada habang ang iba ay sinunog ang watawat ng China at sinira ang ilang mga station ng tren at establishimento.

Agad namang rumesponde ang mga kapulisan kung saan ginamitan nila ng tear gas ang mga nagsasagawa ng kilos protesta.

Pansamantalang itinigl ang operasyon ng Mass Transit Railway (MTR) ganun din ang suspension ng mga buses at trains.

Ipinatupad ni Hong Kong chief executive Carrie Lam ang pagbabawal ng pagsusuot ng face mask dahil sa patuloy na nasisira ang kanilang lungsod matapos ang ilang buwan ng kilos protesta.