Hinikayat ni dating US President Barack Obama ang bawat mayor sa Estados Unidos na muling pag-aralan ang use-of-force policies at gumawa ng progreso hinggil sa police reforms.
Sinabi ito ni Obama sa kaniyang kauna-unahang on-camera remarks simula noong mag-umpisa ang malawakan na naging bayolenteng kilos-protesta matapos ang pagkamatay ng African American na si George Floyd.
Ayon sa dating presidente, ang nagaganap na demonstrasyon ay magbibigay umano ng oportunidad upang tuldukan na ang karahasan na nararanasan ng mga tao sa kamay ng mga otoridad.
Magbibigay-daan din daw ito upang magising ang bawat isa na sa ganitong panahon ay kinakailangan ng pagkakaisa sa bansa tungkol sa usapin ng racial justice at police reform.
May mensahe rin si Obama para sa mga kabataan na sa buong bansa.
“I want to speak directly to the young men and women of color in this country who, as was so eloquently described, have witnessed too much violence and too much debt, and too often some of that violence has come from folks who were supposed to be serving and protecting you.”
“You should be able to learn and make mistakes and live a life of joy without worrying about what’s going to happen if you go to the store or go for a jog or are driving down the street or looking at some birds in a park,” dagdag pa nito.
Pinuri rin ni Obama ang lahat ng kabataan na mapayapang nagpo-protesta para labanan ang kawalan ng katarungan sa Amerika. Aniya umaasa raw ito na sa kabila ng mga kaguluhan na nagaganap noong mga nagdaang araw ay mananatiling buhay ang pag-asa sa puso ng mga ito na isang araw ay makakamit din ng Amerika ang inaasam nitong pagbabago.