Gumamit na rin ng tear gas ang mga otoridad sa Iraq upang paghiwa-hiwalayin ang mga raliyista na nagsama-sama sa Baghdad.
Ito ay bago isagawa ang plano nilang pagmamartsa sa harapan ng kanilang parliyamento kung saan magkakaroon ng emergency session ng naturang bansa upang talakayin ang muling pagsisimula ng marahas na demonstrasyon.
Nais ng daan-daang raliyista na magbitiw sa pwesto si Prime Minister Adel Abdul Mahdi matapos nitong masangkot sa isyu ng korapsyon, mass unemployment at poor public services.
May nakahanda ring kilos-protesta sa Timog bahagi ng bansa sa kabila ng pagpapatupad ng curfew sa iba’t ibang lugar ng nasabing probinsya.
Ayon sa Iraqi commission for human rights, umakyat na sa 42 katao ang namatay dahil sa kilos-protesta habang 2,300 naman ang sugatan.
Pinuri naman ng Interior Ministry ang mga kapulisan ng bansa dahil sa patuloy nilang pagsubok na kontrolin ang karahasan na hatid ng mga demonstrador.
“The security forces secured the protection of demonstrations and protesters responsibly and with high restraint, by refraining from using firearms or excessive force against demonstrators,” saad ng ministry.