-- Advertisements --
EXTRADITION
Hong Kong protest

VIGAN CITY – Umabot na malapit sa konsulada ng Pilipinas sa Hong Kong ang nangyayaring kilos protesta para tutulan ang plano ng gobyerno na extradition sa China.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Rose Galinato Alcid, taga-Candon City na nagta-trabaho sa Hong Kong at tumatayong pangulo ng overseas Filipino worker (OFW) North Alliance, pati ang kanyang amo ay lumahok sa kilos protesta na nagsimula pa noong Linggo.

Kuwento ni Alcid, tinututulan ng kanyang employeer ang planong extradition dahil mas lalong magpapahirap sa kanila at lalung-lalo na ang mga OFW.

Aniya, sakaling maaprubahan ang extradition lahat ng nagkasalang OFW ay sa China na uusigin na kung saan bitay ang katumbas nitong parusa.

Ang nangyayaring problema ngayon sa Hong Kong ay hindi lamang umano para sa mga taga Hong Kong kundi lahat ng mga taong nagtatrabaho sa nasabing lugar.

Karamihan din daw sa mga lumahok sa protesta ay mga estudyante na kung saan tinatanggal na nila ang mga barikada para isangga sa pulis.