-- Advertisements --

Umabot sa mahigit 50,000 katao ang nagsagawa kilos protesta sa legislative building sa Hong Kong bilang pagkontra sa kontrobersyal na extradition bill.

Pagdedebatihan kasi ngayong araw ang nasabing panukalang batas.

Inaasahan din na hanggang sa katapusan ngayong linggo ay pagbobotohan ang nasabing panukalang batas.

Nauan rito umabot sa 1 milyong mamamayan ang nagsagawa ng kilos protesta sa malaking bahagi ng Hong Kong para kontrahin ang nasabing panukalang batas.

Napapaloob sa batas ang sinumang suspek sa krimen ay dadalhin sa mainland China para doon litisin ang kaso.