-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Muling nagsagawa ng kilos protesta ang mga grupo na tumutuligsa sa pamahalaang Hong Kong sa kabila ng banta ng coronavirus disease (COVID-19).
Sinamantala ng mga raliyesta na ilang araw ng COVID free ang Hong Kong.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ng negosyanteng Filipino sa Hong Kong na si Elena Jermice na maayos naman ang mga isinagawang kilos protesta.
Naging disiplinado at nag-iingat aniya ang mga tao sa nasabing teritoryo ng China kaya hindi kumalat ang COVID-19.
Ayon kay Jermice, bahagya lamang ang epekto ng COVID-19 sa ekonomiya ng Hong Kong.
Sa katunayan ay nagbigay pa ng tulong sa kanilang mga negosyante ang pamahalaan ng Hong Kong dahil hindi masyadong naapektuhan ang kanilang national reserves.