Sumiklab ang kilos-protesta sa Greece matapos ang nangyaring banggaan ng dalawang tren na ikinasawi na ng 43 pasahero.
Para sa nakararami, itinuturing ang naturang trahediya bilang isang aksidente na inaantay lamang na mangyari.
Naniniwala kasi ang rail union members na hindi gumagana ng maayos ang safety systems kung saan makailang ulit na aniyang ibinabala ito sa maraming taon.
Isinisisi din ng mga ito bilang official neglect o pagpapabaya ng railways ang nangyaring trahedya.
Ilang mga nagpoprotesta ang nagtipon sa headquarters ng Hellenic train sa Athens, ang kompaniyang responsable para sa pagmintina ng railways sa Greece.
Nagsagawa din ng protesta sa Thessaloniki at kabisera ng Larissa malapit kung saan nangyari ang trahedya noong Martes ng gabi, Pebrero 28.
Idineklara ng gobyerno ng Grece ang tatlong araw bilang national mourning kasunod ng insidente na pagbangga ng passenger service train sa isang freigh train dahilan ng pagsiklab ng sunog sa harapang bagon ng passenger train.
May lulan itong mahigit 350 pasahero kung saan karamihan ay mga estudyante na nanggaling ng Thessaloniki matapos ang long weekend celebration ng Greek Orthodoz Lent.