-- Advertisements --

Nagsagawa ng malawakang kilos protesta ang mga opposition supporters sa Belarus sa Minsk, Belarus.

Ito ay matapos na kuwestiyunin ang pagkapanalo sa pagkapangulo ni President Alexander Lukashenko.

Kahit na maraming mga kapulisan ang ipinakalat ay hindi pa rin natinag ang ilang libong mga protesters na pumuno sa central square.

Pinagsisigawan nila ang pagbibitiw ni Lukashenko at sinasabing pagnanakaw nito noong nakaraang halalan.

Nanindigan din si Lukashenko na kaniyang ipapaaresto ang mga nagsasagawa ng kilos protesta.

Umabot na sa apat na katao ang nasawi dahil sa kilos protesta.