Ilang libong mga mamamayan ng Brazil ang nagsagawa ng kilos protesta para iparating ang kanilang pagkadismaya kay President Jair Bolsonario dahil sa paghawak nito ng COVID-19 crisis.
Ito na ang itinuturong pinakamalaking kilos protesta mula ng magsimulaa ang pandemic.
Ginanap ang makakahiwalay na kilos protesta sa iba’t-ibang bahagi ng bansa gaya sa Sao Paulo, Rio de Janeiro at Brasilla.
Ilan sa mga panawagan nila ay pagpapatalsik sa kanilang pangulo at ang mas madaling maabot ang COVID-19 vaccine.
Magugunitang noong simula ng pandemic ay minaliit ng Brazilian president ang COVID-19 na tinawag pa nito bilang maliit lamang na trangkaso.
Sa kasalukuyan ay nahaharap ang Brazil sa ikatlong wave ng COVID-19 kung saan nagtala ng 2,012 ang nasawi sa loob lamang ng isang araw noong nakaraang Sabado.
Umaabot na sa mahigit 16 million ang kabuuang kaso na mayroong 460,000 na ang nasawi.