-- Advertisements --
Nagdulot ng kilos-protesta sa South Los Angeles matapos ang pamamaril ng mga kapulisan sa isang black-American.
Pinapara ng Los Angeles County Sheriff si Dijon Kizzee habang nagbibisekleta.
Subalit ito ay tumakbo palayo habang papalapit na ang mga kapulisan.
Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga kapulisan na nagbunsod sa pamamaril sa 29-anyos na biktima.
Dinala pa ito sa pagamutan subalit agad itong nasawi.