Binatikos ng Kilusang Mayo Uno ang pamunuan ng Department of Labor and Employment dahil sa tahasan nitong pagbasura sa posibleng panibagong yugto ng pagtaas ng sahod ngayong taon.
Sa isang pahayag, sinabi ni KMU Chairman Elmer Labog na hindi katanggap-tanggap ang ginawang “preemptive” statement ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma tungkol sa mga potensyal na wage order mula sa Regional Tripartite Wages and Productivity Boards.
Ayon kay Labog, noong nakaraang taon ay umabot lamang sa P30-P50 ang umento sa sahod.
Ito aniya ay sapat lamang para makabili ng isang kilong bigas o pamasahe.
Giit ni Labog, ang naging preemptive na statement ng kalihim na malabong magtaas ng sahod ngayong taon ay nangangahulugan lamang aniya na ang gobyerno ay walang interes na maibsan ang hirap na kalagayan ng mga manggagawa sa bansa.
Binigyang-diin din niya na ang paglalayong tumutok sa pagtiyak na ang mga pinakabagong wage order ay nasunod ngunit hindi sapat upang maiwasan ang isang bagong yugto ng pagsasaayos ng suweldo.
Nauna nang sinabi ni Laguesma na ang isang bagong yugto ng pagsasaayos ng sweldo ay hindi malamang para sa 2024.
Sinabi ni Laguesma na ito ay dahil nais ng DOLE na tiyakin na may pagsunod sa wage order na inilabas noong 2023.
Noong nakaraang taon, 15 regional wage boards ang naglabas ng wage order.
Ang Davao Region ang nag-iisang regional wage board sa bansa na hindi naglabas ng wage order para sa 2023.