-- Advertisements --

Labis ang pasasalamat ngayon ng tv host na si Kim Atienza matapos na makaligtas ito sa aksidente.

Sinabi nito na ito na ang pang-apat na pagkakaligtas niya sa aksidente.

Kuwento nito na habang lulan siya ng kaniyang motorsiklo at lulan ng kaniyang motorsiklo ng biglang tumawid sa harapan nito ang malaking aso.

Tumilapon ito ng hanggang walong talampakan at narinig niyang tila may tumunog sa kaniyang buto.

Isang maituturing na milagro na sinusundan siya ng mga Fire Emergency Paramedic Assistance group (FEPAG) EMS PHILS at nakita ang aksidente kaya sila ang nagdala sa kaniya sa pagamutan.

Bagamat mayroon itong nabale sa kaniyang rib ay wala namang ibang nangyari sa ibang parte ng kaniyang katawan.

Dahil sa aksidente ay hindi muna ito makakapagtrabaho at hindi rin ito makakasakay sa motorsiklo.

Labis ang pasasalamat nito sa Poong Maykapal habang nagpaabot naman ng pagdarasal para sa mabilis na kaniyang paggaling ang mga fans at mga kasamahan nito sa trabaho.