-- Advertisements --

Emosyonal ang actress na si Kim Chiu ng tanggapin ang award sa 2024 Seoul International Drama Awards.

Sinabi nito na nakahanda na ang kaniyang talumpati sa telepono niya subalit kaniya itong nabura kaya kinabahan siya.

Laking pasalamat na lamang niya dahil memoryado niya ang nasabing talumpati.

Inialay nito ang kaniyang award sa kaniyang fans na sumubaybay sa loob ng 18-taon na pagiging artista.

Lubos din ang kasiyahan nito dahil nakasalamuha niya ang mga Korean stars na napapanood lamang niya noon sa mga telebisyon.