-- Advertisements --
Labis ang kasiyahan ng actress na si Kim Chiu matapos na mapasama sa nominado ng 29th Asian Television Awards.
Napabilang kasi ito sa pagganap niya sa Pinoy version ng “Whats Wrong With Secretary Kim”.
Sa social media account nito ay ibinahagi ang magandang balita.
Pinasalamatan din nito ang mga fans dahil sa walang sawang pagtangkilik sa mga pelikula niya.
Magugunitang nagwagi na rin ang actress ng Most Outstanding Asian Star sa Seoul International Drama Awards 2024.