-- Advertisements --

Nagwagi ng award ang actress na si Kim Chiu sa Seoul International Drama Awards 2024.

Nakuha nito ang Outstanding Asian Star award dahil sa pagganap niya bilang si Juliana Lualhati sa drama serye na “Linlang”.

Sa social media account nito ay ibinahagi nito ang imbitasyon na natanggap mula sa Korean-based awards-giving body.

Labis itong nagpasalamat sa mga fans at supporters na walang sawang tumatangkilik sa mga pelikula at drama serye nito.

Bumuhos naman ng pagbati mula sa iba’t-ibang kasamahan nito sa showbiz ng magpost ang actress.