Nilinaw ni Kim Domingo na maayos ang naging hiwalayan nila ng basketball player/model boyfriend na si Michael “Mike” Acuña.
Ayon sa 25-year-old actress, masaya siya dahil katunayan ay “in good terms” pa rin sila ni Mike pero ayaw na niyang magdetalye pa.
“Walang halong galit sa isa’t isa, OK kami,” ani Domingo.
Iginiit din nito na walang kinalaman ang break-up nila ng longtime boyfriend sa gitna ng kinakatampukan niyang bagong show.
Kung maaalala, nitong Abril lang nang aminin ng nasabing aktres na live-in o nagsasama na sila sa iisang bubong ni Acuña at hangad na mauwi sa kasalan ang kanilang tatlong taong pagiging magkasintahan.
Nabatid na nagsimula si Domingo sa sexy image at roles ngunit kamakailan lang nang magkaroon ito ng “change of heart.”