Tahasang tinawag ni North Korean leader Kim Jong-un na “principal enemy” ng kanilang bansa ang Estados Unidos.
Pahayag ito ni Kim dalawang linggo bago ang nakatakdang pag-upo sa puwesto ni US President-elect Joe Biden.
Sa isang pambihirang congress ng ruling Workers’ Party of Korea, sinabi ni Kim na hindi rin daw nila inaasahang magbabago ang polisiya ng Washington sa Pyongyang, sinuman ang nakaupong pangulo.
“The real intention of its policy toward the DPRK will never change, whoever comes into power in the US,” saad sa ulat ng KCNA news agency.
Nangako rin si Kim na palalawakin pa nito ang nuclear weapons arsenal at ang puwersa militar ng North Korea.
Kung maalala, naging maganda ang relasyon nina Kim at outgoing US President Donald Trump, kahit na kakarampot lamang ang isinulong ng mga negosasyon kaugnay sa denuclearization ng Korean peninsula. (AFP/ BBC)