Hinimok ni North Korean leader Kim Jong-un ang mga mamamayan na paghandaan ang mararanasang hirap o krisis.
Kasunod ito ng mga babala ng ilang human rights group ang bansa ay nahaharap sa matinding food shortages at economic instability.
Una nang isinara ng Hilagang Korea ang mga borders nito dahil sa coronavirus pandemic na nagdulot ng pagkahinto ng kalakal mula Tsina na siyang bumubuhay sa ekonomiya ng nasabing bansa.
Ang paghihirap din ng nasabing bansa ay may kaugnayan sa umiiral na international economic sanctions dulot ng Pyongyang’s nuclear program.
Sinabi ni North Korea analyst Colin Zwirko na naghihirap na talaga ang bansa lalo pa’t hindi pangkaraniwan para kay Kim Jong-un na pag-usapan ang tungkol sa mga paghihirap at pagdurusa.
Napag-alaman na matagal na umanong pinaalalahanan ng lider ang kanilang mamamayan na haharapin ng kanilang bansa ang “worst-ever situation” at walang humpay na mga hamon. (with report from Bombo Jane Buna)