-- Advertisements --

Matapos magbigay galang si North Korean leader Kim Jong Un sa mausoleum ng kanyang pamilya sa Pyongyang upang gunitain ang kaarawan ng kanyang yumaong ama na si Kim Jong Il, kahapon, Pebrero 16.

Kung saan itinuturing itong holiday ng North Korea na tinatawag nila bilang ‘Day of the Shining Star.’

Dumalo naman si Kim Jong Un nang isang seremonya para sa huling yugto ng kanyang malakihang proyekto ng pabahay sa Pyongyang.

Ang inisyatiba na inilunsad noong 2021, ay naglalayong magtayo ng 50,000 na bagong tahanan bilang bahagi ng limang taong plano ni Kim para sa ekonomiya ng bansa.

Ang proyekto ay nakatakdang magbigay ng hindi bababa sa 10,000 bagong apartment bawat taon, bagaman may mga analista na nag-aalinlangan sa kakayahan nitong magtagumpay dahil sa mga hamon ng ekonomiya at international sanctions.

Ibinida pa ni Kim ang nasa halos 400% na pagtaas ng output ng imprastraktura kumpara noong 2020 at nangako siya na ipagpapatuloy ang pagpapalawak ng lungsod at pagpapabuti ng kondisyon ng pamumuhay ng mga residente sa Pyongyang.

Samantala nagpapakita rin ng mas malalim na hangarin ang lider ng NorKor na magtayo ng sariling pamana, ipinapakita ng mga hakbang na ito ang patuloy na pag-aalaga ng pook ng pamilya Kim sa kanilang hawak na kapangyarihan sa Hilagang Korea.