-- Advertisements --

Inabot din ng 20 araw bago raw masilayan muli ng publiko sa North Korea ang kontrobersiyal na kanilang leader na si Kim Jung-un.

Iniulat kasi ng government media na Korean Central News Agency (KCNA) na mismong si Kim ang nag-cut ng ribbon sa pagbubukas ng isang fertiliser factory.

Hindi pa naman makumpirma sa ibang sources kung may katotohanan nga ba ito.

Kung maalala nitong nakalipas na mga araw lumutang din ang impormasyon na dumanas daw ito ng matinding sakit at nasa kritikal na kondisyon dahil sa heart surgery.

Samantala, tumanggi munang magbigay ng kanyang reaksiyon si US President Donald Trump sa muling paglutang ni Kim.