Bukas umano ang pintuan ni North Korean Leader Kim Jong Un sa ikatlong summit kasama si US President Donald Trump ngunit yan ay kung mag-aalok daw ang United States ng mapagkakasunduang agreement bago matapos ang taon.
Sa talumpating ibinahagi ni Kim sa rubber-stamp parliament session sa North Korea, isinisi niya ang pagkabigo ng Hanoi summit noong Pebrero dahil umano sa unilateral demands ng Estados Unidos ngunit sa kabila nito ay nanatili pa rin daw ang magandang relasyon sa pagitan ng dalawang pangulo.
Dagdag pa ni Kim, sanhi raw ng unti-unting pagbagsak ng ekonomya ng North Korea ang international sanctions na ipinataw sa kanilang nuclear weapons program.
Una ng iginiit ng US na ang dahilan ng pagkabigo ng ikalawang summit nina Kim at Trump ay dahil sa labis na demand ng North Korea na tuluyang tanggalin ang sanction sa kanilang bansa kapalit ng limited disarmament measures