-- Advertisements --
Naglabas ang North Korean state media ng sulat mula sa kanilang leader na si Kim Jong Un para kay South African President Cyril Ramaphosa.
Laman ng nasabing sulat ang pagbati ng North Korean leader dahil sa araw ng kanilang kalayaan nitong Abril 27, 2020.
Nakasaad pa dito ang matinding pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Ang nasabing pagpapalabas ng sulat ay patunay aniya sa mga naging usapin na hindi totoo na pumanaw na ang North Korean leader.
Nauna rito nagpahayag si South Korean presidential adviser Moon Chung-in na buhay at nasa mabuting kalagayan ang North Korean leader.