-- Advertisements --

Buo umano ang pag-asa ni North Korean Leader Kim Jong Un na may magandang kahahantungan ang kauna-unahang pakikipagpulong nito kay Russian President Vladimir Putin.

Sakay ng kanyang private train ay nakarating na si Kim kahapon sa lungsod ng Vladivostok, Russia matapos ang siyam na oras na paglalakbay.

Mainit naman itong sinalubong nina Minister of Development of the Far East and Arctic of Russia Alexandr Kozlov, Vice Foreign Minister Igor Morgulov, Governor of Maritime Territory Oleg Kozehemyako at Russian Ambassador to the DPK Alexandr Matsegora.

Inaasahan na sesentro ang usapan ng dalawang kontrobersyal na lider upang resolbahin ang sitwasyon sa Korean Peninsula at paunlarin ang kanilang bilateral relations.

Ayon sa mga eksperto, maaaring maging daan ang pagpupulong na ito upang humingi ng suporta ang North Korea sa Russia upang tuluyan nang tanggalin ang sanction sa kanilang bansa.