-- Advertisements --
Walang bakas ng pagsisisi si reality star na si Kim Kardashian sa pagtatapos ng kanilang TV show na “Keeping Up with the Kardashians”.
Sinabi nito na isang pinakamagandang pangyayari ang nasabing show sa kalahati ng kaniyang buhay.
Pakiramdam pa nito na siya ang pinakasuwerting babae sa buong mundo dahil nakatrabaho niya ang kaniyang pamilya sa bawat araw.
Nitong Hunyo 11 ay nagtapos na ang reality show ng Kardashian na umere sa loob ng 14 taon.
Ipinakita sa huling episode ng reality show ang pagyayakapan ng mga crew at bida ng nasabing show.