-- Advertisements --

Ilang hakbang na lamang ay magiging isang ganap na abogado si reality star Kim Kardashian.

Sa kaniyang Instagram account ay sinabi nito na naipasa niya ang tinatawag na ‘baby bar’ exam sa ikaapat na pagtatangka.

Sinabi pa nito na dinapuan pa siya ng COVID-19 sa unang pagsusulit.

Isa lamang ito sa dalawang kailangan niyang maipasa para maging practicing attorney sa California.

Naging inspirasyon nito ang namayapang ama na si Robert kung saan nakilala sa pagiging abogado ni celebrity na si O.J. Simpson sa kasong murder.