-- Advertisements --
Umabot na sa 17 inmates sa US ang napalaya dahil sa tulong ni reality star Kim Kardashian.
Ayon sa kaniyang abogadong si Brittany Barnett, tahimik na gumagalaw sila sa loob ng tatlong buwan.
Pawang mga may mababang drug offense ang napalaya na unang napatawan ng life sentences ng walang parole.
Magugunitang personal na nag-usap si Kim at President Donald Trump kung saan ipinakiusap ang ilang mga inmates na maaaring palayain dahil sa nahaharap naman sila sa maliliit lamang na kaso.
Una na ring napault na desido ring makapagtapos sa abogasiya si Kardashian.